Balik Loob
Wala lang. Natuwa lang akong magbasa ulit ng mga blog ng mga kaibigan ko at mga dating kaibigan dito sa blogosphere. Matagal na akong nagbablog, uso pa nun yung MySpace pati Xanga, at Millenium Bug, kung saan natakot yung mga tao kasi magbaback-fire daw ang technology, kaya pati yung kapitbahay namin ay nag withdraw na ng lahat ng pera sa bangko sa takot na maghirap siya kapag na erase ang lahat ng digital records niya.
Pero tumigil ako, kasi tinamad. Naging focused din ako sa trabaho, pero ang pinaka-dahilan talaga ay ang aking katamaran na gumawa ng mga kung ano anong post. Hindi kasi ako magaling magsulat.
Pero ito, nagbabalik nanaman ako. Gusto ko sana gumawa ng bagong blog title na interesting pakinggan, kaso mahirap pala, o baka talagang hindi lang ako interesting na tao kaya hindi rin interesting ang mga naiisip ko. Naiinggit ako sa mga blog na pangalan pa lang maa-attract ka agad at alam mo agad yung mababasa mo. Kaso wala eh, eto lang ang nakayanan ko.
OK na kahit walang magbasa nito. I write for me. Tsaka nagsawa na rin ako ng kakabulong sa hangin.